Wednesday, 20 March 2013

Bago ang Babae: A Poem Analysis by Nicolla Hernandez


Mabuti na lang at sa panahong ito ako
Ipinanganak na babae.
Hindi ko kailangang manahimik
Kung kailangan magsalita.
Hindi ko kailangang magsalita
Kung nais kong manahimik.
Hindi ko kailangan ipaliwanag
O hindi ipaliwanag ang bawat pagpapasiya.
Hindi ko kailangan sumunod sa inaasahan
Ng lahat, tulad ng pag-aasawa.
Kung mag-asawa man ako'y
Hindi ko kailangan magpakulob,
Hindi ko kailangan matakot
Kung dumating ang araw ng pagkabalo,
O kailangan nang makipaghiwalay.
Hindi ko kailangang magkaanak nang labis
Kahit kaya kong panagutan
Hindi ko kailangang malugmok sa lungkot
Sakali't hindi ako magkaanak.
Kung kailangan ko mang gampanan
Ang pagiging ina at asawa,
Hindi ko kailangang humingi ng paumanhin,
Hindi ko kailangang panawan ng talino at lakas,
Hindi ko kailangang kalimutan ang lahat,
Hindi ko kailangang itakwil ang sarili,
Hindi ko kailangang burahin
Na isa akong tao
Bago isang babae.

The sets the reader for a feminist reading by its first two lines - "Mabuti na lang at sa panahong ito ako / ipinanganak na babae." - where the current time portrays the persona as empowered or not needing to yield to the usual conventions of womanhood. What is apparent in the poem is the repeating line "hindi ko kailangang" which by way of tone is defiant of the patriarchal society and what it expects of a female (e.g. "Hindi ko kailangan sumunod sa inaasahan / ng lahat, tulad ng pag-aawasa.") Instead of assuming the role of the female, the persona dwelss more on what it means to be human. She is human first before female as stated in the last two lines "na ang isa akong tao / bago isang babae" which pushes for equality of roles. The female stands beside the male, not as the weaker or submissive sex but an equal which the persona enjoys having been born in her current context. 

3 comments: